Avianca
Ang Avianca S.A. (acronym mula sa Espanyol na "Aerovías del Continente Americano S.A.", sa Ingles: Airways of the American Continent) ay isang airline sa Colombia na naging pambansang airline at flag carrier ng Colombia[3][4] mula 5 Disyembre 1919, nang una itong ay nairehistro sa ilalim ng pangalan na SCADTA.[5][6] Ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa Bogota, D.C. at ang pangunahing hub nito ay matatagpuan sa El Dorado International Airport. Ang Avianca ay binubuo rin ng isang grupo ng pitong airlines sa Latin America, ang mga operasyon nito ay pinagsama upang gumana bilang isang airline gamit ang isang code sharing system. Ang Avianca ay ang pinakamalaking airline sa Colombia at ang pangalawang pinakamalaki sa Latin America. Ang Avianca kasama ng mga subsidiary nito ay ang pinakamalawak na network ng destinasyon sa Latin America.[7] Ito ay ganap na pag-aari ng Synergy Group S.A., isang holding company sa South America na itinatag ni Germán Efromovich at nag-specialize sa air transport. Ito ay nakalista sa Colombia Stock Exchange.[8]
![]() | ||||
| ||||
Itinatag | 5 Disyembre 1919SCADTA | as|||
---|---|---|---|---|
Mga pusod | ||||
Mga sekundaryang pusod | ||||
Mga lungsod ng tampulan | ||||
Programang frequent flyer | LifeMiles | |||
Alyansa | Star Alliance | |||
Mga sukursal | ||||
Laki ng plota | 173[1] | |||
Mga destinasyon | 114 | |||
Sawikain ng kompanya |
| |||
Pinagmulan ng kompanya | Avianca Holdings S.A. | |||
Himpilan | Bogota, Colombia | |||
Mga mahahalagang tao |
| |||
Operating income | ![]() | |||
Total assets | ![]() | |||
Websayt | avianca.com |
Ang Avianca ay ang ikalawang pinakalumang airline kasunod ng KLM, at ipinagdiwang nito ang kanilang ika-90 anibersaryo noong 2009, nang inihayag nito ang kanilang pagsanib sa TACA. Ito ay ang pinakalumang airline sa Kanlurang Emisperyo.[9] Ito ay naging isang opisyal na miyembro ng Star Alliance noong 21 Hunyo 2012, pagkatapos ng isang proseso na tumagal ng humigit-kumulang 18 buwan mula sa paunang anunsyo[10] ng kanilang mga imbitasyon upang sumali sa alyansa.[11]