Buumbilang
Ang buumbilang (Ingles: integer na mula sa Latin na integer, literal na nangangahulugang "hindi ginalaw" kaya "buo": nagmula ang salitang entire sa kaparehong pinagmulan sa pamamagitan ng Pranses[1]) ay likas na bilang na kabilang ang 0 (0, 1, 2, 3, ...) at kanilang mga negatibo (0, −1, −2, −3, ...). Ito ang mga bilang na hindi na kailangang isulat na bahagi ng isang hating-bilang o desimal at pumapatak sa loob ng isang pangkat (set) {... −2, −1, 0, 1, 2, ...}. Halimbawa, mga buumbilang ang 65, 7, at −756; ang 1.6 at 1½ ay hindi. Sa ibang katawagan, buumbilang ang mga bilang na maaaring bilangin katulad ng mansanas, o daliri, at kanilang mga negatibo, gayon din ang 0.
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c1/Latex_integers.svg/100px-Latex_integers.svg.png)
Katulad ng mga likas na mga bilang, binubuo ang mga buumbilang ng isang sukdulang nabibilang pangkat. Kadalasang pinapakita ang pangkat ng lahat ng buumbilang sa pamamagitan ng matapang na letrang Z (o matapang na pisara (blackboard bold) , Unicode U+2124 ℤ), na nangangahulugang Zahlen (Aleman para sa mga bilang, binibigkas /ˈtsaːlən/ "tsAH-len").[2]
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/09/Number-line.gif/300px-Number-line.gif)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Evans, Nick (1995), "A-Quantifiers and Scope", sa Bach, Emmon W (pat.), Quantification in Natural Languages, Dordrecht, The Netherlands; Boston, MA: Kluwer Academic Publishers, pp. p. 262, ISBN 0792333527
{{citation}}
:|pages=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Earliest Uses of Symbols of Number Theory"
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki How sa pagpapalawig nito.